Mga Kuwento ng Tagumpay

Desire N., Cameroon

Naging bihasa si Desire Nongol na isang Promoter na gawing isang pagkakataon ang mga sagabal. Noong siya’y bata sa Cameroon, Africa, inidolo ni Desire ang propesyonal at maalamat na manlalaro ng soccer na si Pelé, at pinangarap niyang maglaro para sa kanyang sariling bansa sa Olympics. Nagsanay siya araw-araw, nagsikap, at hindi sumuko. Ang kanyang buhay ay naging kapana-panabik nang siya ay hikayatin upang maglaro para sa isang semi-propesyonal na koponan. Ito na - ang huling hakbang bago pumirma ng isang kontrata sa Major League Soccer. Sa kasamaang palad, nasira ang pag-asa nang nabalian siya ng binti. Ito ay pinsalang tumapos sa kanyang karera.

Gayunpaman, hindi nasayang ang lahat. Si Desire ay nagsipag sa larangan ng soccer, pati na rin sa paaralan. Ginamit niya ang kanyang degree sa kolehiyo sa Physics at Chemistry at nakakuha ng trabaho sa pagbebenta ng medisina. Nagbigay ito sa kanya ng isang patuloy na kita, ngunit malayo ito sa tipo ng pamumuhay ng isang propesyonal na atleta na inakala niya.

Noong 1997, natuklasan niya ang industriya ng MLM at nagsimulang magbago ang kanyang buhay. Bigla siyang kumita ng pera, naglalakbay sa buong mundo, at nakakakilala ng mga bagong tao.

"Kahit na gugustuhin kong maging susunod na David Beckham, ang industriya ng network marketing ay nagbibigay sa akin ng pagkakataong magkaroon ng istilo ng pamumuhay na tulad sa isang propesyonal na atleta. Iyon ang dahilan kung bakit labis akong nasasabik sa QuiAri. Mayroon kaming mga produkto na nagtatampok ng #1 superfruit, ang Maqui, ang #1 oportunidad na may pinakamabilis na plano ng kabayaran, at isang pandaigdigang marka na wala sa marami sa mga bilyon-bilyong dolyar na kumpanya,” pagsasaad ni Desire Nongol na isang Promoter ng QuiAri.

Ang QuiAri ay ang nag-iisang kumpanya ng kalusugan at kagalingan na nagbabayad kaagad sa mga Promoter, saanman sa mundo. Ang agarang bayad ay isang bagong konsepto para sa mga kumpanya ng kalusugan at kagalingan. Kahit na sa Estados Unidos, ang mga medikal na propesyonal ay karaniwang binabayaran kada dalawang lingo. Sa labas ng Estados Unidos, sa mga bansa tulad ng sariling bansa ni Desire na Cameroon, ito ang pinag-uusapan ng bayan.

"Sa Cameroon, sa halagang $10 USD lamang, maaari nang mapakain ang isang pamilyang may 3 katao sa loob ng isang linggo. Kahit na sa labas ng Africa, milyon-milyong mga tao sa buong mundo ang nahihirapan na matustusan ang kanilang mga pangangailangan. Ngayon, sa pamamagitan ng QuiAri, mayroon silang isang tunay na pagkakataon na baguhin ang kanilang buhay nang kahit walang anumang dating karanasan sa pagbebenta. Ang QuiAri's 10-4-2 na Plano ng Paglulunsad ay nagtakda ng kanilang landas tungo sa tagumpay,” pagsasaad ni Desire Nongol.

Ang layunin ni Desire sa taong 2021 pasulong ay mas dalasan ang pagbiyahe. Siya ay kasalukuyang nakatira sa Washington D.C. at may plano na bisitahin ang mga tao sa kanyang team na nakatira sa ibang bansa.

"Nagpapasalamat ako na pinapayagan ng QuiAri ang mga Promoter na kumita ng pera saanman sa mundo. Wala akong mga problema sa pagbuo ng aking internasyonal na team habang naninirahan sa U.S., ngunit umaasa akong magkaroon ng mas maraming pagkakataon sa hinaharap upang personal kong bisitahin ang aking team. Kahit na ang QuiAri ay isang pandaigdigang korporasyon, malapit ang lahat ng Promoter. Nagsasaya kami, nagtutulungan, at sama-samang nagdiriwang ng aming mga tagumpay. Kami ay tulad ng isang malaking pamilya,” sabi ni Desire Nongol.

Pakitandaan na nagbibigay ng walang limitasyong potensyal na kumita ang oportunidad sa negosyo ng QuiAri. Gayunpaman, hindi ginagarantiya ng QuiAri ang pinansyal na tagumpay. Ang tagumpay sa QuiAri ay nagreresulta lamang mula sa mga matagumpay na pagsisikap sa pagbenta, na nangangailangan ng pagsisikap sa trabaho, sipag, kakayahan, tiyaga, kagalingan, at pamumuno. Nakasalalay ang iyong kita sa kung gaano kahusay mo ginagamit ang mga katangiang ito.

Impormasyon sa Pakikipag-ugnay

  • +1 813-413-8120
  • +1 813-413-8139
  • Mga Oras Lunes – Biyernes
  • 9 am - 5 pm Eastern

May katanungan?